YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 18, 2012

2000 punla ng kahoy, naitanim sa tree planting activity sa Brgy. Nabaoy


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Tinatayang umabot sa dalawang libong seedlings o punla ng kahoy ang matagumpay na naitanim sa barangay Nabaoy, Malay, Aklan nitong Sabado.

Ito’y matapos sama-samang akyatin ng pinagsanib na puwersa ng Boracay Island Water, DENR-Cenro, mga pulis Boracay at Malay, barangay officials ng Nabaoy, Yes FM at Easy Rock Boracay ang bundok ng nasabing lugar, upang tamnang muli ng kahoy.

Kasama din ng iba pang grupo at indibidwal na nagmamahal sa kalikasan, isa-isang inilipat ang mga punla sa inihandang butas sa lupa na magsisilbing permanente nilang lugar.

Ayon pa kay BIWC customer service officer Acs Aldaba, ang pagod nila sa paglalakad at pag-akyat sa bundok ng halos apat na kilometro ay napalitan ng saya dahil sa naging matagumpay na aktibidad.

Ang mga punlang ito ay inilaan at inihanda ng DENR, Boracay Water, at iba pang nag-ambag ng tulong upang mapalitan ang mga pinutol na punong kahoy doon.

Tiniyak naman ni Aldaba na ang mga itinanim na punla ay mabubuhay upang makatulong na maabot ang isang bilyong punong kahoy sa buong Pilipinas na target ng DENR. 

No comments:

Post a Comment