YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 18, 2012

Nakabalandrang kable ng kuryente ng mga establisimyento sa beach front ng Boracay, paiimbistigahan na


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Isang napakagandang implikasyon para sa Boracay ang makilala bilang numero uno at magdala ng titulong “2012 World’s Best Island”.

Bagay na ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Malay ang naturang pagkilala, dahil sa ikagaganda umano ito lalo ng turismo dito.

Subali’t ang mga nakabalandra at animo’y unregulated na mga kable ng kuryenteng ikinakabit  ng mga establisemyento sa beach front ng isla ay itinuturing ng mga dumadaan doon na delikado sa kanilang kaligtasan.

Isa na nga rito ang reklamo ng isang bente y nuwebe anyos na lalaki sa Boracay matapos umano itong makuryente nitong nagdaang Linggo sa harap ng isang establisemyento sa station 2, Balabag.

Sa sumbong ng biktima sa Boracay PNP, dakung alas sais y medya ng gabi noon, matapos ng mga itong maligo sa dagat ng kanyang kasama ay nakuryente ito ng extension wire ng isang negosyante ng mais doon.

Hinila umano ito ng kanyang kasama at subali’t nadamay din itio sa pagkakuryente.

Mabuti na lamang at kinalauna’y nasagip pa ang nasabing biktima ng ibang naroon at minarapat na tanggalin ang extension wire.

Kaugnay nito, nangako naman ang DOT Boracay na magpapatawag ng pulong kasama ang Boracay Foundation Incorporated, Boracay Chamber of Commerce, Akelco at Municipal Engineers Office upang maimbistigahan at matugunan ang naturang insidente.    

No comments:

Post a Comment