Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Aminado si Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre na hindi
pa naman kumpirmado talaga ang nakarating na impormasyon sa kaniya na may ilang
miyembro ng Municipal Auxiliary Police MAP sa Boracay na naka duty din sa ibang
resort maliban sa pagduty nila bilang MAP.
Ngunit sa kabila nito, nais ipakunsidera ngayon ni Aguirre sa
dalawang kumitiba sa Sangguniang Bayan ng Malay ang nakuha nitong impormasyon,
upang ipa-usisa ang bagay na ito sa Committee on Peace, Order and Public Safety
and Committee on Good Governance and Public Ethics.
Sapagkat para kay Aguirre, napakapangit naman na tumatanggap
ng sahod ang isang MAP sa bayan, pero konektado din ito sa isang resort at doon
ma maka-duty.
Aniya, kung hindi man totoo ang impormasyon na nakalap nito,
magpapasalamat umano sila, ngunit kapag totoo aniya ito ang mahaga ay alam nila
ang bagay na ito.
Gayun pa man, sa kabila ng isiniwalat na ito ni Aguirre,
nilinaw ng huli na hindi agad nila inaakusahan ang mga MAP, kundi nais lamang
nilang malaman ang katutuhanan.
Ang pahayag na ito ni Aguirre ay sinabi ng konsehal sa
privilege hour sa session ng konseho kahapon.
No comments:
Post a Comment