Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Apektado
ang kabuhayan ng ga operator at driver ng tricycle sa Boracay kapag naipatupad
na ang color coding sa Boracay.
Ito
ang reaksiyon ni Enrique Gelito isa sa Board Of Director ng Boracay Land
Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) sa panayam dito kahapon.
Aniya
kung sila lang ang tatanungin, ayaw umano sana nilang maipatupad ang color
coding dahil kawawa ang mga driver dahil apektado ang kabuhayan ng mga ito.
Pero
hindi lamang ayon dito kabuhayan ang tatamaan ng scheme na ito, sapagkat maging
sila ay nangangamba na baka kulangin ang unit ng tricycle sa lumaking bilang ng
mga turista sa Boracay lalo pa at magbubukas na rin ang klase.
Dagdag
pa ni Gelito, limang taon na ang nakalipas ay ipinatupad ang katulad na sistema
ngunit hindi umano nagtagumpag dahil sa nagreklamo ang mga pasahero, sapagkat
kinulang ang mga unit na nagsisilbi sa mga pasahero kaya binawi din agad ang color
coding matapos ang isang linggo.
Kaya
kinikinita ng mga driver na posibleng umanong nangyari ulit ang sitwasyon katulad
ng dati lalo pa at dumami na ang pasahero at turista ng Boracay ngayon.
Samantala,
gayong naipatupad na noong ang color coding sa nga tricycle sa isla ngunit hindi
nagtagumpay, hiniling umano nila ngayon sa lokal na pamahalaan ng Malay na huwag
na sanang itong ituloy pa sa pangalawang pagkakataon.
Ngunit
ipinangako naman umano sa kanila si Mayor John Yap na kapag nagreklamo ang
publiko at kinulang ang sasakyan sa Boracay ay agad naman nilang kakanselahin
ang kautusan ukol dito at depende sa demand ng publiko.
No comments:
Post a Comment