Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nagpahayag ng kanilang mungkahi ang dalawang kumitiba na
tinukoy ni Sangguniang Bayan Member Rowen Agguire para umaksiyon sa nalaman
nitong impormasyon kaugnay sa pagduty o pagpapa-duty ng miyembro ng Municipal
Auxiliary Police MAP-Boracay sa resort dito.
Bilang tugon, iminungkahi ni SB Member Jonathan Cabrera, chairman
ng Committee on Good Governance and Public Ethics, na kung maaari ay magkaroon
sila ng diyalogo sa mga miyembro ng MAP.
Hindi lamang para sa isyung proteksiyon sa resort o kaya ay
dahil sa di umano ang mga MAP ay ruma-raket, kundi ito dahil na rin sa iba pang
isyu may kaugnayan sa trabaho at iba pang obligasyon ng mga ito.
Samantala, para naman kay SB Member Jupiter Gallenero
Chairman ng Committee on Peace, Order and Public Safety, isinuhestiyon nito na
kung puwede na lang din ay ipatawag nila sa Committee Hearing ang mga miyembro
ng MAP na ito para sa katulad na layunin.
No comments:
Post a Comment