Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Drainage at sewer sa Barangay Manoc-manoc ang unang
problemang nakita, bagay na inihain sa harap ng mga miyembro ng Task Force
Moratorium sa pulong na isinagawa kahapon.
Ito ay sa kabila at kahit sabihin pang hindi pa nag-iinit na
implementasyon ng Task Force na ikinasa para sa Boracay nitong nagdaang buwan.
Ngunit dahil sa ang mga miyembro sa bawat barangay ang magsisilbi
mata sa mga kaganapan o suliranin.
Sa pagkakataong ibinigay sa mga miyembro ng Task Force ng Barangay
Manoc-manoc para ipa-abot ang kanilang reaksiyon kaugnay sa programa.
Bagamat nasorpresa, ang matagal nang problema sa sewer at
drainage na nagbabaha at bumabaho sa nasabing barangay ang siyang inilatag sa
harap ng mga miyembro at mga opisyal na bumubuo ng grupong ito.
Bilang chairman ng Task Force at namumuno ng bayan,
idinipensa naman ni Malay Mayor John Yap ang Boracay Island Water Company (BIWC)
mula sa isyung di umano ay kawalang aksiyon ng kumpaniyang ito sa pagtugon sa
kanilang problema doon.
Paliwanag ni Yap, sumalo lang din ang kumpaniyang ito ng problemang
namana mula sa dating namamahala ng pasilidad na ito.
Gayon pa man, ang Alkalde na rin ang humingi ng dispensa
para sa nasabing problema sapagkat nabiktima di umano ang proyekto ng paglaho
ng pondo noon, kaya perwisyo ito ngayon sa publiko lalo na sa mga turista sa
isla.
No comments:
Post a Comment