Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kung dati ay grupo-grupong dumarating sa Caticlan Jetty
Port, maging sa mga paliparan ang mga turistang Chinese papuntang Boracay, nayon
batay sa obserbasyon ng Municipal Tourism Office ng Malay, halos kalahati na
umano sa mga bilang ng mga Tsinong ito ang nalawa, kung pagbabasihan ang
naitala ng Municipal tourism office araw-araw.
Sapagkat nitong nagdaang mga buwan, off season man o peak
season sa isla, hindi umano bumababa sa dalawang daan ang mga Chinese National
na pumupunta sa Boracay araw-araw.
Subalit simula nang magdeklara ng Travel Advisory ang
Chinese Government laban sa Pilipinas at magkasenla ang mga travel agency ng
kanilang tourist package dito, umaabot nalang ng isang daang araw-araw ang mga
Tsinong dumarating sa isla ayon kay Edralyn Piloton ng Municipal Tourism
Office.
Gayon pa man, sinabi nito na hindi naman na apektuhan ang
bilang ng tourist arrival na Korean at Taiwanese sa isla.
Ang bilang ng turista na dumarating sa Boracay ay binabatay
record na naitala nila mula sa Caticlan Jetty Port at Boracay/Caticlan Airport.
No comments:
Post a Comment