YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 27, 2015

Suporta ng NGO sa programa tungkol sa waste segregation, ikinatuwa ng LGU Malay

Posted March 27, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Ikinatuwa ng LGU Malay ang suporta ng NGO o Non-government Organization sa programa tungkol sa waste segregation.

Ayon kay Malay Vice Mayor Wilbec Gelito, dapat talagang bigyang-pansin ang problema tungkol sa dumaraming basura sa isla ng Boracay.

Subali’t masaya umano siya dahil tumutulong na ang mga NGO’s sa isla upang masulusyunan ito.

Samantala, nabatid na sampung NGO’s ang lumahok kahapon sa Trash Can Fun Theory Contest na inorganisa ng Boracay New Coast, Amity Lions Club, sa pakikipagtulungan na rin ng LGU Malay.

Layunin umano nito na mahikayat ang lahat na makibahagi tungkol sa proper waste segregation.

Isa sa mga lumahok sa nasabing paligsahan ang Yes FM 911 Boracay na naglalayong makatulong sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman tungkol sa basura.

Public Hearing sa Public-Private Partnership Code ng Aklan, naging matagumpay

Posted March 26, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Naging matagumpay ang isinagawang public hearing kaugnay ng pagsusulong ng Public-Private Partnership (PPP) Code sa probinsya ng Aklan kaninang umaga.

Ito’y sa kabila ng iba’t-ibang nga katanungan, opinyon at suhestiyon mula sa mga pampubliko at pribadong sektor sa lalawigan.

Sa pagsisimula ng nasabing pagpupulong, binasa ni Aklan Vice Governor at Presiding Officer Gabrielle Calizo- Quimpo ang nilalaman ng nasabing ordinansa at mga panuntunan ng PPP Code.

Ilan lamang sa mga binanggit nito ang pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at negosyante sa iba’t-ibang programa at proyekto para sa probinsya.

Muli din nitong iginiit ang magkaroon ng maunlad na ekonomiya at lipunan sa pamamagitan ng aktibong paglahok ng mga pribadong sektor.

Samantala, matapos ang isinagawang public hearing, nakatakda naman ito ngayong pag-usapan sa susunod na SP Regular Session.

Ang PPP ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng gobyerno at mga pribadong sektor.

Thursday, March 26, 2015

Manoc-manoc cargo area, sabay na tututukan ng BTAC at PCG sa Holy Week

Posted March 26, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Abala na ngayon ang mga kapulisan sa isla para sa nalalapit na APEC Ministerial sa buwan ng Mayo.

Subali’t hindi lamang ang seguridad para sa APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation ang tinututukan ngayon ng mga law enforcers sa isla kungdi ang seguridad ng mga turista para sa Holy Week.

Kaugnay nito, nakipagpulong na rin umano sila sa mga force multipliers upang palakasin ang kanilang civilian intelligence.

Magugunitang sinabi din ni Boracay PNP OIC P/SInps.Frensy Andrade na pagtutulungan nila ng PCG o Philippine Coastguard na tututukan ang Manoc-manoc cargo area.

Ayon pa kay Andrade, tiniyak naman ng PCG ang pagdi-deploy ng tao at ang pagmonitor sa biyahe ng bangka doon.

Nabatid na sinimulan narin ngayon ng Boracay PNP ang pagkampanya tungkol sa Safety Tips for Holy Week at Summer Vacation kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga turista sa susunod na Linggo.

7 Seas Voyager dadaong sa Boracay ngayong Holy Thursday

Posted March 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for 7 seas voyagerNgayong Holy Thursday, Abril 2 nakatakdang dumaong sa isla ng Boracay ang Cruiship na 7 Seas Voyager.

Hawak ng Sharp Philippines ang tour nito sa Pilipinas, kung saan tinatayang may sakay itong 700 passengers kasama na ang crew.

Ayon kay Special Operations Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, halo-halo umano ang mga sakay nitong pasahero mula sa ibat-ibang bansa para sa tour nito sa Boracay ngayong Holy Week.

Sinabi pa ni Pontero na dahil sa first time dadaong sa Boracay ang naturang barko magkakaroon umano ng maiden call ang Aklan Provincial Government at Department of Tourism (DOT) sa pagitan ng kapitan ng barko para dito.

Samantala, isang meeting ang nakatakdang ipatawag ng Jetty Port Administration ngayong Martes para paghandaan ang pagdating ng naturang barko sa isla ng Boracay.

Estonian National, nasalisihan ng magnanakaw sa Boracay

Posted March 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for snatchingLabis-labis ang panghihinyang ng isang Estonian National matapos na matangay ng magnanakaw ang kanyang bag sa D’Mall Boracay nitong Lunes ng umaga.

Sumbong ng biktimang si Annely Uukkive, 25-anyos sa Boracay PNP.

May lumapit umano sa kanyang lalaki para magtanong ng oras ngunit ng kunin umano nito ang kanyang cellphone sa loob ng bag ay may bigla nalang humablot ng kanyang bag at tumakbo patungong mainroad area.

Tinagka naman umano nitong habulin ang suspek ngunit hindi niya ito naabutan dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo.

Sinabi pa ng biktima sa Boracay PNP na naglalaman umano ang kanyang bag ng isang mamahaling camera, isang lense, memory card at extra filters.

Sinabi naman nito na hindi agad niya na ireport ang nasabing insidente dahil sa sobrang galit kung kayat agad nalang umano siyang bumalik sa kanyang tinutuluyan.