YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 07, 2016

Probinsya ng Aklan muling pinarangalan ng Red Orchid award

Posted June 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Apat na Red Orchid awards ang nakuha ng probinsya ng Aklan sa awarding ceremony na ginanap noong Mayo 31 sa Sarabia Manor Hotel sa Iloilo City kasabay ng selebrasyon ng World No Tobacco Day. 

Ito ay dahil sa pagiging “smoke free” ng kanilang lugar sa loob ng isang taon kung saan ito ang naging batayan  para makilala bilang mga awardees.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Jr., provincial health officer I, muling binigyan ng parangal sa pangalawang pagkakataon ang Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH), Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at ang bayan ng Buruanga.

Maliban dito nakatanggap din umano ang bayan ng Ibajay ng naturang parangal sa unang pagkakataon.

Dagdag pa ni Cuachon, kailangan umanong panatilihin ng mga awardees na maging smoke free ang kanilang lugar at sundin ang mga polisiya na ipinapatupad ng Department of Health (DOH) para rito upang makamit ang pagiging hall of Famer para sa 2016.  

Samantala, Tinanggap umano ng mga Aklanon ang nasabing mga pagkakilala mula sa ibat-ibang probinsya sa Western Visayas.      

Monday, June 06, 2016

British national, lalanguyin ang buong isla ng Boracay

Posted June 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ngayong darating na linggo Hunyo, 12, 2016 ay nakatakdang languyin ng isang British national ang karagatang sakop ng isla ng Boracay sa pakikipagtulungan sa PRC Boracay-Malay Chapter.

Ito mismo ang sinabi ni Richard Macartney sa himpilang ito kung saan nais nitong hamunin ang sarili na languyin ang dagat ng 18.5 kilometers ang distansya mula sa dalampasigan sa buong isla sa loob lamang ng pitong oras.

Ayon kay Macartney  isa itong malaking hamon para sa kanya dahil sa malakas na alon ng isla kung saan bilang paghahanda nito ay sumailalim siya sa training nitong Pebrero kung saan nakapagtala siya ng total record na 365 kilometers o 365, 023 meters na siyang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na gawin ang nasabing hamon.

Nabatid na ang naturang paglangoy ay isang fund raising activity kung saan ang malilikum nitong pera ay ibibigay sa Philippine Red Cross Boracay Malay-Chapter na kanilang magiging pondo kasama na ang pagbibigay ng awareness sa mga kabataan na gustong matutong lumangoy.

Si Macartney ay isang retired company director mula sa United Kingdom na ngayon ay naninirahan na rin sa isla ng Boracay simula pa noong Marso 2015.

Samantala, gaganapin naman ito sa linggo simula ala-6 ng umaga sa beach area ng Nigi-Nigi Station 2 Boracay.

Pagtaas ng kaso ng mga nagpapakamatay sa probinsya ikinabahala ng PHO Aklan

Posted June 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for suicide
Naaalarma ngayon ang Provincial Health Office (PHO) sa pagtaas ng kaso ng pagpapakamatay sa probinsya ng Aklan ngayong taon.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Jr., provincial health officer I, sampu ang kanilang naitalang kaso ng pagpapakamatay simula nitong Enero hanggang Mayo kung saan pito rito ay mula sa bayan ng Batan habang ang tatlo ay sa bayan ng Nabas, Malinao, at Malay partikular sa isla ng Boracay.

Sinabi nito na base sa 2014 World Health Organization Global Report, karamihan sa mga nagpapakamatay ay nasa edad 15-21 anyos na nakakaranas ng mental illness kagaya ng  nervous breakdown, bipolar disorder, depresyon; gayon din ang ibat-ibang klase ng trauma lalo na ang sexual abuse, at cyber bullying sa social media. 

Maliban dito, nagiging sanhi din umano ng pagpapakamatay ang drug addiction at eating disorder kabilang na ang problema sa pamilya, karelasyon, pera, cancer, HIV/AIDS at severe depression.

Samantala, nag-paalala si Cuachon na kung may maririnig umano silang may nagtatangkang  magpapakamatay ay dapat umano nila itong seryosohin sapagkat ito umano ay isang indikasyon na posible niyang wakasan ang kanyang buhay.

Ilang establisyemento sa Boracay naghahanda na sa Habagat

Posted June 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for habagat sa boracayTapos na ang summer kung kayat naghahanda na ngayon ang ilang mga establisyemento sa beach area ng Boracay sa pagpasok ng habagat.

Katunayan inihahanda na ng mga ito ng pangharang para sa inaasahang paglakas ng hangin dahil sa naturang panahon.

Nabatid na unti-unti na ngayong lumalakas ang alon sa karagatan ng Boracay dahilan para tangayin ang mga basura papunta sa dalampasigan ng isla mula sa mga mainland at kalapit na isla.

Samantala, patuloy parin ngayon ang buhos ng maraming turista sa Boracay kung saan karamihan sa mga ito ay foreign tourist.

Ang panahon ng Habagat ay inaasahang mararanasan sa Boracay ngayong mga susunod na linggo hanggang sa buwan ng Oktobre.

Lalaking nakasakit ng turista sa bar sa Boracay, bumagsak sa kulungan

Posted June 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongSa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos ireklamo ng turista habang nasa loob ng bar matapos itong bumagsak sa kanyang likod dahil sa kalasingan.

Nakilala ang biktima na si Margaret Acero 23-anyos, isang Doktor at residente ng Makati City habang pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Brgy.Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, naka-upo umano ang biktima at ang kanyang mga kaibigan sa loob ng bar ng biglang bumagsak sa kanyang likuran ang suspek na si Jason Talio dahilan para magtamo itong sugat ang kanyang baba, ulo at likod.

Nabatid, na lasing na lasing ang suspek ng mangyari ang insedente kung saan imbes na humingi ito ng tawad sa biktima ay tinawanan niya pa ito.

Sa ngayon, sa kulungan bumagsak ang suspek matapos siyang ipaaresto ng biktima sa mga pulis ng Boracay PNP.