Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay

Aniya, mandato ng PNP na sundin ang kautusan ng pangulo
para sa ikakaganda at ikaka-ayos ng komunidad pero sa ngayon ay wala pa
silang natatanggap na kautusan na ipatupad ito sa probinsya.
Paglilinaw pa ni Dizon, pwede itong ipatupad sa mga
munisipalidad pero kailangan munang magkaroon ng ordinansa ang Sangguniang
Bayan para sa legalidad ng implementasyon.
Naniniwala ito na may mga lokal na batas ang 17 bayan sa
Aklan na anumang oras ay pwedeng iutos sa mga kapulisan.
Halimbawa na lamang sa bayan ng Malay at Boracay na
maigiting ang kampanya tulad ng “Oplan Bakal” at “Oplan Sita” na iniikot at
pinapasok ang mga bars, establisyemento , tambayan, maging ang pagbantay sa
kakalsadahin para masawata ang anumang kriminalidad.
Samantala, ng matanong si Malay PNP OIC PCI Ruel Firmo sa
usaping ito, mas maganda aniya kung may ordinansa ang bayan ng Malay na
ipagbabawal ang inuman sa mga eskinita at pampublikong lugar.
Sa ngayon umano ay sinisita lang muna nila ang mga tambay
sa Boracay paglagpas ng alas-onse ng gabi at kung may “disobedience” at
nanggugulo ay doon na sila pwedeng mag-aresto.
Sa pangkalahatan, hinihintay na lang ng pamunuan ng Aklan
Police Provincial Office ang proposal ng mga munisipalidad kung ipapatupad nila
ang Oplan-Tambay Campaign ni Duterte.
#YestheBestBoracayNews
No comments:
Post a Comment