YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 28, 2018

17 opisyal sa Aklan , sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Posted June 27, 2018
Inakyat na ng DILG sa Office of the Ombudsman ang kasong administratibo at paglabag sa RA 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act laban sa labim-pitong public official sa Aklan at Malay.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Aklan Governor Florencio Mirafores, Malay Mayor Ceciron Cawaling, Malay Vice-Mayor Abram Sualog at ang walong incumbent Sangguniang Bayan Members.

Kinasuhan din sina Licencing Officer Jen Salsona, MENRO Officer Edgardo Sancho, PENRO Officer Valentin Talabero at ang tatlong Punong Barangay ng Boracay na sina Chona Gabay , Lilibeth Sacapano, at Hector Casidsid.

Sa complaint affidavit na isinumete ni DILG Usec. Epimaco Densing, naghain ito ng mga reklamo para sa kasong graft, gross negligence, at grave misconduct.

Nang matanong ang isang mataas na opisyal ng Malay patungkol sa kaso, aantayin daw muna niya ang pormal na reklamo bago magbigay ng reaksyon.

Kung maaalala, nagsagawa muna ng imbestigasyon ang DILG hinggil sa sinapit ng Boracay at pinasiguro noon ni Densing na may mananagot na mga lokal na opisyal dahil sa kapabayaan at pag-abuso sa kapangyarihan.

#YesTheBestBoracayNEWS

No comments:

Post a Comment