Maliban sa Inter-agency Task Force, nag-ambag din ngayon
ang Department of Agriculture ng sarili nilang inisyatibo para makatulong sa mga
apektado ng Boracay closure.
Sa pagbisita kahapon ni Secretary Emmanuel Piñol,
hinandogan nila ang mga katutubong ati sa isla ng sampung bangka na sa pangingisda at kagamitan para sa pagtatanim.
Ayon kay Evangielyn Tamboon tagapagsalita ng Ati
Community, malaking tulong ang ipinagkaloob ni Sec. Piñol dahil may pagkukunan
na sila ng makakain at tulong para sa kanilang pangkabuhayan.
Aniya, maraming oportunidad na ibinigay sa kanila si Sec.
Piñol katulad nalang umano na pwede silang magloan ng pera para sa kanilang
negosyong binabalak na siya namang imomonitor ng Department of Agriculture.
Nabatid, hindi lang ang Ati Community ang nais ng DA dahil lahat ng organisasyon sa isla na apektado ng Boracay Closure ay
isinasailalim nila sa orientation para mabigyan ng oportunidad na mabigyan ng
ayuda magmula sa DA.
#YestheBestBoracayNews
No comments:
Post a Comment