Posted September 19, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Patay ang isang
lalaki matapos malunod ng tumalon ito sa dagat mula sa sinasakyang barko na
galing Mindoro.
Ang biktima ay
kinilalang si Manuel Diaz, 32-anyos residente ng Panitan, Capiz at
nagta-trabaho bilang Pedicab Driver sa Maynila.
Ayon kay PO2nd
Sonny Ricardo ng Philippine Coast Guard Caticlan, sakay ang biktima ng Maria
Urzula ng Montenegro Lines ng bigla umanong tumalon ito habang papalapit ang
sinasakyang barko sa Caticlan Port.
Mabilis na
rumisponde ang empleyado ng barko at iniahon si Diaz at binigyan ng paunang
lunas o CPR.
Para mabigyan ng
atensyong medikal, dinala pa ang biktima sa ospital sa bayan ng Malay subalit
idineklara rin itong Dead on Arrival.
Sa pahayag ng
pamilya ng biktima sa PCG-Caticlan, wala umano silang nakikitang dahilan para
gawin iyon ng kanilang kaanak.
Sa ngayon,
nakatakdang pumunta ang pamilya sa ospital ng Malay para kunin ang labi ng
Diaz.
No comments:
Post a Comment