Posted September 21, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo at Teresa A.
Iguid, YES THE BEST Boracay
Nabatid na bago ipinabigay ang relief
goods ay kailangan munang magfill-up ng mga nasunugan ng disaster form para sa
pag-validate.
Sa panayam ng himpilang ito sa isang
residente na isa rin sa mga naka tanggap ng mga nasabing goods, sinabi nitong
nagpapasalamat siya dahil ito ang unang beses na nakatanggap sila ng tulong mula
ng maganap ang sunog.
Kung may nasiyahan, ang ilang biktima naman
ay naglabas ng saloobin kung saan partikular na tinukoy ng mga ito ang suplay na
ipinamahagi sa kanila na hindi umano sapat sa isang pamilya.
Isa ring ginang ang nagpaabot ng
pagkadismaya matapos na wala umanong nagbigay man lamang ng kahit tubig sa
kanila ng mga oras na sila ay lumikas sa Front Beach ng isla.
Ang ilan sa mga residenteng nawalan ng
bahay ng dahil sa sunog ay pansamantala munang tumutuloy sa evacuation center
sa Brgy. Balabag.
Samantala, patuloy naman sa ngayon ang
koordinasyon ng LGU-Malay sa mga apektadong biktima para malaman ang karagdagang
pangangailangan ng mga ito.
No comments:
Post a Comment