Posted September 18, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Ito ang naging pahayag ni PSI Jose Mark Anthony Gesulga,
Acting Chief BTAC, sa panayam ng
himpilang ito sa Boracay Good News.
Sa muling pagbabalik ng operasyon ng mga pulis kontra
droga kasabay din nito ang paglalagay ng mga Drop Boxes sa mga barangay sa isla
ng Boracay.
Ayon kay Gesulga, kailangang magsumite ng mga listahan ng
pangalan ang Barangay Anti Drug Abuse Council o BADAC ng mga drug pusher, user
o kahit na ang newly identified person ng naturang barangay o area kung saan
sasailalim ito sa kanilang validation.
Layunin ng Drop Boxes na ito na magkaroon ng lakas ng
loob ang mga taong may alam at nais na ipaabot ang kanilang nalalaman sa mga
miyembro ng kapulisan.
Samantala, hinihikayat naman ni Gesulga na magbigay- alam
agad ang publiko sa kanilang ahensya sa oras na may mapag-alamang sangkot sa
iligal na droga.
No comments:
Post a Comment