Posted September 22, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Nahulihan ng dalawang sachet ng pinag-hihinalaang shabu ang
isang babae sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa isla ng
Boracay.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek na si Maribeth
Bandiez alyas “Barbie” 21-anyos, residente ng Caloocan City at kasalukuyang
naninirahan sa Sitio Bantud, Manoc-Manoc, Boracay.
Base sa report ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC), nagbenta umano ng droga ng suspek ang nagpanggap na pulis sa naturang
lugar kapalit ng 1,500 pesos buy-bust money na naging dahilan ng kanyang
pagkahuli.
Kasalukuyang nakakulong ang babae sa BTAC detention cell.
No comments:
Post a Comment