Wednesday, April 12, 2017

Mga hakbang sa paggunita ng Semana Santa, nakalatag na

Posted April 12, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for semana santa
“Kooperasyon ng lahat at ang pagiging mapagmatyag”.

Ito ang naging pahayag ni LGU-Malay Executive Assistant IV Rowen Aguirre sa panayam ng himpilang ito bilang preparasyon sa papalapit na “Semana Santa”.

Bilang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Malay, ayon kay Aguirre naka-activate na ang kanilang Incident Management Team para sa Caticlan sa Mainland Malay at Boracay.

Ang tinutukoy ni Aguirre ay ang command post  sa Station 2 sa Boracay at ang bagong activated na Command Post sa Caticlan na magsisilbing coordination area ng mga miyembro ng Boracay PNP, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine Army, Task Group Boracay at ang mga Force Multiplier.

Inaasahan din na sisikip ang trapiko lalo na sa araw na may malalaking events subalit wala pa umano silang natatanggap na request mula sa BLTMPC na temporaryong i-hold ang implementasyon ng color coding ng mga traysikel.

Aniya, sakaling kakailanganin ay gagawa sila ng adjustments sa susunod na mga araw para sa benepisyo ng mga pasahero at mga turistang mananakay.

Maliban dito, nakaplan –out na rin ang preparasyon sa oras na magkaroon ng kalamidad o insidente kung kaya’t inayos na umano nila ang mga hakbang lalo na sa seguridad sa kasagsagan ng Holy Week.
Nabatid na istrikto ring ipapatupad ang “No Party on Good Friday” na mahigpit na ipinagbabawal ang ano mang klaseng ingay sa araw ng Biyernes Santo hanggang sumapit ang alas-sais ng umaga ng Sabado de Gloria.

Samantala, hinihingi ni Aguirre ang kooperasyon ng lahat para sa isasagawang paggunita ng Semana Santa at ang pagiging mapagmatyag sa paligid na sakaling may mapansing hindi pangkaraniwan ay huwag mag-atubili na i-report sa mga kapulisan at mga security agencies.

No comments:

Post a Comment