Posted April 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ngiti at saya ang
nangibabaw sa mga mukha ng lumahok sa kauna-unahang Advocacy Run ng Kapisanan
ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP-Aklan Chapter) sa Magsaysay Park sa bayan
ng Kalibo nitong Linggo.
Bago nag-simula
ang pagtakbo ay nagbigay ng mensahe ang KBP-Aklan Chapter Chairman na si Alan
Palma Sr. at APPO OIC PSSupt. Lope Manlapaz kasama ang mahigit isang-daang pulis
na sumama rin sa pagtakbo.
Samantala, hakot
awards naman ang mga Boracaynon runners na lumahok sa naturang pagtakbo.
Nabatid na
mahigit 400 ang lumahok kung saan ito ay kinabibilangan ng mga Media sa Aklan
na miyembro ng KBP, mga pulis, teachers sa ibat-ibang paaralan sa lalawigan,
Non Government Organization (NGO’S), Commercial Establishments at marami pang
iba.
No comments:
Post a Comment