Posted April 18, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Ito ang naging pahayag ni APPO Public Information Officer
SPO1 Nida Gregas, sa panayam ng himpilang ito.
Ayon sa kanya, wala umanong nai-rekord na mga related
incidents sa kasagsagan ng Holy Week.
Dagdag pa ni Gregas, kahit tapos na ang paggunita ng
Semana Santa ay patuloy pa rin ang ilalaang pagbabantay ng mga hanay ng pulis
lalo na sa inilunsad na SUMVAC o Summer Vacation ng Aklan Police Provincial
Office (APPO) para sa seguridad ng mga nagbabakasyon ngayong tag-init.
Dahil dito, mas hihigpit pa umano ang seguridad sa isla
ng Boracay bilang tourist destination kung saan nakahanda na ang mga Tourist
Assistance Desk ng kapulisan para mapabilis ang pag-responde at mapaigting ang
seguridad sa beach area dito.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin naman ang pamimigay ng mga
BTAC Personnel ng safety at informative flyers para sa mga turista.
No comments:
Post a Comment