YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 11, 2017

Fiesta De Obreros ng Malay, pinaghahandaan na

Posted April 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinaghahandaan na ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang nalalapit na selebrasyon ng “13th Fiesta De Obreros” sa Mayo 1 taong kasalukuyan.

Ayon kay Malay Tourism Receptionist II at In-charge for Culture Arts and Special Event Rex Aguirre, wala naman umanong pinagkaiba sa dating kinagawian ang selebrasyon ng Fiesta De Obreros.

Ani Aguirre, mas pinaganda ito at inaasahan na maraming bisita ang mga darating sa kanilang schedule na gagawin bago ang naturang kumpetisyon.

Bagama’t may mga pagsubok man umanong dumating sa Municipal Tourism Office ay nagawan nila ito ng paraan para matuloy ang selebrasyong ito na lalahukan ng lahat ng 13 baranggay ng Malay.

Asahan at pakaabangan din umano ang Drum at Lyre competition ng mga estudyanteng lalahok dito.

Samantala, ang tema naman nila ngayong taon ay “Malipayon nga pagtrabaho it mga Obrero, Tagipusuon, Puno it Pasaeamat sa Ginuo”.

Ipinagdiriwang ang nasabing kapistahan kasabay ng Araw ng Manggagawa o Labor Day bilang pagbibigay pugay sa kanilang patron na si St. Joseph the Worker.


No comments:

Post a Comment