Thursday, February 16, 2017

Boracay-Caticlan Cable Car, balak itayo

Posted February 16, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

No automatic alt text available.
Itinutulak ngayon ng isang grupo na magtayo ng Cable Car system na magkokonekta sa Boracay at Caticlan.

Sa ginanap na 6th Regular Session ng SB Malay nitong Martes, i-prenesenta ang balak na bagong Boracay Transport Sytem sa Sangguniang Bayan ng Malay.

Sa pangunguna ni Angel Lazaro at ng Associates International, ang proposal ay ang paglagay ng cable car na maging alternatibong transportasyon umano sa Boracay.

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoorSa kasulukuyang sitwasyon sa mga jettyport na siksikan at pahirapan sa pagsakay ng mga pasahero at turista, ayon kay Lazaro ang cable car ay isang magandang option.

Maliban umano na magbibigay ito ng “ wow” factor sa mga turista, makakabawas din daw ito ng polusyon at mas magiging komportable ang mga tatawid ng isla.

Sakaling aprobahan, ang proyekto na may 1.5 Billion na budget ay aabot sa labing- walo  hanggang dalawampu’t apat na buwan para maumpisahan.

Sa ngayon, hinihintay pa ang magiging desisyon ng Sangguniang Bayan ukol sa nasabing proposal.

No comments:

Post a Comment