Tuesday, February 14, 2017

MS Celebrity Constellation dumaong sa Boracay

Posted February 14, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: ocean, outdoor and water
Ganap na alas- otso kaninang umaga ng dumating ang barkong MS Celebrity Constellation sa isla ng Boracay.

Nabatid na lulan nito ang mahigit dalawang libong mga pasahero, at mahigit kumulang isang libong mga crew.

Subalit ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, hindi na nagawang bumaba ng mga pasahero sa Cagban Port ng nasabing barko dahil sa malakas na alon kung saan umangkla lang ito at umalis din ng alas- diyes trenta kaninang umaga.

Ang MS Celebrity Constellation ang pangalawang barkong bumisita ngayong taon dito sa isla.

Samantala bukas, Pebrero 15 ay aasahan naman ang  pagdating ng MS Europa II ng alas- dose ng tanghali na magtatagal hanggang alas- syete ng gabi.

No comments:

Post a Comment