Wednesday, February 15, 2017

Boracay, Instagram top location sa Pilipinas

Posted February 15, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for boracayKinilala ang isla ng Boracay bilang isa sa top location sa bansa para sa mga Instagram o IG users.

Ayon kay Benjamin Beck ng Home Away Travel sa isang mensahe nito na ipinadala sa e-mail, hindi na umano nakakagulat na ang Boracay ay maging “most- loved location” ng mga mahilig mag- instagram posts.

Napag- alaman na sa pagsubaybay ng naturang travel website, nakakuha ang Boracay ng 71, 608 likes na sinundan ng Coron Island sa Palawan na mayroong 47,259 likes.

Maliban sa mga nabanggit na tourist destination sa Pilipinas, umabot din sa  37,436 likes ang Chocolate Hills sa Bohol, ang Enchanted Kingdom na may 14,201 likes, na sinundan ng Quezon Memorial ,San Agustin Church sa Intramuros Maynila, Hundred Islands National Park sa Pangasinan ,Rizal Monument at ang MalacaƱang Palace.

Ayon sa Home Away Travel, ang Pilipinas ay ika- sampu sa Most Loved Instagram Locations sa Asya.

Samantala, nangunguna pa rin ang bansang Japan sa buong Asya.

No comments:

Post a Comment