Wednesday, February 15, 2017

MS Europa II, muling nasilayan sa isla ng Boracay

Posted February 15, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ms europaMuling nasilayan sa ika-apat na pagkakataon ang MS Europa II kaninang alas-dose ng tanghali sa isla at magtatagal ng alas-syete ngayong gabi.
Sakay nito ang mahigit limandaang pasahero mula sa iba’t-ibang nasyonalidad  at apatnaraang crew.
Ayon kay Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, wala naman umanong pagbabago sa kanilang ginagawang paghahanda para sa pagsalubong nito.

Aniya, nandiyan parin ang ginagawang seguridad ng Philippine Coastguard (PCG) at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para sa mga bisitang dadayo sa Boracay.

Ang MS Europa II ay ang ikatlong Cruise Ship sa labing pitong nakatakdang mga barko na dadaong sa isla para sa taong 2017.

No comments:

Post a Comment