Monday, November 09, 2015

Vendor sugatan matapos mabiktima ng robbery sa Boracay

Posted November 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for robberySugat mula sa mga sanga-sangang kahoy ang tinamo ng isang vendor matapos na mabiktima ng robbery sa Manoc-Manoc Boracay kagabi.

Si Carl Jann Alaban 19-anyos ng Polo, New Washington, Aklan at pansamantalang nakatira sa Sitio Bantud ng nasabing Brgy. ay nagtamo ng mga galos sa katawan matapos takasan ang suspek.

Sa report ng Boracay PNP, pababa umano ang biktima ng tricycle sa crossing ng Sitio. Bobon, Manoc-manoc ng bigla itong lapitan ng hindi nakilalang lalaki.

Dito mabilis umanong tinutukan ng baril ang biktima sabay kuha ng kanyang dalang pera at cellphone, ngunit ng ilawan niya umano ang mukha ng suspek ay dito umano siya sinipa na tumama sa kanyang likod.

Sa takot mabilis na tumakas ang biktima papalayo sa suspek kung saan napadpad ito sa lugar na madaming tanim na punong kahoy.

Nabatid na nakuha sa biktima ang perang nagkakahalaga ng limang libong peso at isang unit na cellphone.

No comments:

Post a Comment