Wednesday, November 11, 2015

MS Silver Shadow, dadaong sa Boracay

Posted November 11, 20115
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Silverseas Cruises na MS Silver ShadowIsa na namang Cruise ship ng Silverseas Cruises na MS Silver Shadow ang dadaong sa isla ng Boracay ngayong Nobyembre 17, 2015 sa isla ng Boracay.

Sakay nito ang tinatayang apat na raang pasahero mula sa ibat-ibang parti ng mundo kung saan mayroon naman itong 300 na crew.

Dahil dito isang meeting muli ang itatakda ng Aklan Provincial Government sa pamamagitan ng Jetty Port Administration ngayong Biyernes kung saan ipapatawag ang mga concern agencies at mga Law Enforces sa Boracay para sa paghahanda.

Kaugnay nito nakatakda namang magkaroon ng exchange of plaque sa pagitan ng MS Silver Shadow at Aklan Province at LGU Malay sa maiden call ng naturang barko.

Maliban dito ilang agencies ang inaasahang aakyat sa naturang barko para naman sa tour nito sa loob habang ang mga sakay nitong turista ay mag-iikot naman sa ilang tourist spot sa Boracay sa loob ng ilang oras.

Samantala, muli namang dadaong ang MS Europa 2 ng Hapag-Lloyd Cruises sa Boracay na may sakay na 408 passengers at 290 crew sa December 30.

No comments:

Post a Comment