Tuesday, November 10, 2015

Pre-Pageant ng Miss Earth Malay, gaganapin ngayong Linggo

Posted November 10, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Mag-niningning ang intablado ng Paradise Garden and Convention Center sa gaganaping Pre-Pageant ng kauna-unahang Miss Earth Malay 2015 sa darating na linggo Nobyembre 15.

Dito ay mag-papatalbugan ng kanilang mga suot na gown at mag-papasiksihan sa swimsuit competition ang labing pitong kandidata sa nasabing pageant.

Ayon kay Engineer Tresha Lozañes ng Environmental Management Services Unit Office ng LGU Malay, gaganapin umano ang Pre-Pageant ala-7 ng gabi kung saan ay libre ito para sa mga manood.

Sinabi pa ni Lozañes, na dapat huwag palampasin ng mga Malaynon at Boracaynon ang nasabing pageant bagkus ito ang kauna-unahang Miss Earth Malay 2015.

Samantala, kokoranahan naman ang mananalong Miss Earth Malay sa Malay Covered Court sa darating na Desyembre 11, 2015.  

No comments:

Post a Comment