Posted
November 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala pang pagkakakilanlan ang Scene of the Crime (SOCO)
Boracay kung sino ang nakabaril at naka patay sa isang security guard sa
nangyaring land dispute sa Manoc-manoc Boracay nitong Biyernes.
Sa panayam ng YES FM Boracay kay PO1 John Reyes Montuerto
ng SOCO, tikom umano ang bibig ng mga bantay sa loob ng land-dispute area kung
kanino kabilang ang namatay na biktima.

Sinabi din nito na tanging pamilya lamang ng biktima ang
sumama sa ginawa nilang otopsiya sa bangkay kung kayat nahihirapan umano silang
ma-conclude kung kanino ito kabilang.
Maliban dito sinasabing nakasuot umano ng bonet ang hindi
tiyak kung ilang kalalakihan na pumasok sa area bandang alas-3 ng madaling
araw, kung saan naganap ang palitan ng putok dahilan para mahirapan umano
silang tiyakin kung sino ang nakatama sa biktima.
Sa kabilang banda nare-cover umano ng SOCO sa loob ng
area ang limang baril na kinabibilangan ng isang shotgun, isang caliber
38-revolver, isang 9mm, isang revolver at isang curvage shotgun.
Samantala, nakatakda namang dalhin ang mga nakumpiskang
baril sa bayan ng Kalibo para sa masusing imbestigasyon ng mga pulis.
No comments:
Post a Comment