YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 22, 2015

Tulong pinansyal para sa mga 4P’s Beneficiaries sa Malay, patuloy paring pinoproseso

Posted January 22, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy paring pinoproseso ang tulong pinansyal para sa mga 4P’s Beneficiaries sa Malay.

Ito ang nalulungkot na sinabi ni MSWD o Municipal Social Welfare Development Officer In Charge Madel Dee Tayco kaugnay sa hinihintay na cash grant ng mga taga Poblacion Malay na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Yolanda.

Bagama’t muling tumangging magbigay ng pahayag sa pamamagitan ng recorded interview, sinabi ni Tayco na mabusisi ang kanilang pagproseso ng mga dukumento at maraming requirements na kailangang suriing muli.

Kaugnay din nito, hindi rin umano masasagot kung kailan at kung sino ang mayroon o walang matatanggap na tulong pinansyal.

Magkaganon paman, sinabi din ni Tayco na ginagawa nila ng paraan upang mapadali ang pagproseso nito at maibigay na ang cash grant sa mga naghihintay na pamilya.

No comments:

Post a Comment