YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 19, 2015

Lalaki sa Boracay, nakatikim ng suntok sa mukha dahil sa ‘Right of Way’

Posted January 19, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang lalaki sa Boracay ang nakatikim ng suntok sa mukha kagabi dahil sa ‘Right of Way’.

Ayon sa police report ng Boracay PNP, hinarang ng hindi na pinangalanang biktima ang tatlong suspek na dumadaan sa kanilang lugar sa Sitio Tulubhan Barangay Manoc-manoc.

Sinasabing nagkasagutan ang mga ito na nauwi naman sa panununtok ng isa sa mga suspek sa biktima.

Kaagad namang inawat ng mga residente sa lugar ang komosyon, lalo pa’t nabatid na magkakamag-anak lamang din ang mga ito.

No comments:

Post a Comment