YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, January 18, 2015

Pagkamatay ng isang boatman sa Nabas, Aklan, palaisipan parin

Posted January 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Palaisipan pa rin ang pagkamatay ng isang boatman na natagpuan sa Sitio Sumagawsaw, Barangay Unidos, Nabas, Aklan nitong nakaraang Enero 10.

Ayon sa Nabas Police Station, hindi pa muna sila makakapagbigay ng mga detalye sa naturang kaso dahil sa masusi parin itong iniimbestigahan.

Magugunitang sinabi ni Crispin Calzado ng Nabas PNP na may gunshot wound o tama ng bala ng baril sa ibabang bahagi ng ulo ang biktimang si Mike Malacad, 29 anyos ng San Jose Romblon nang matagpuan sa nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbistigasyon, umaandar pa at naka side stand ang motorsiklo ng biktima nang maratnan ng mga taga Nabas PNP.

Samantala, nabatid na hinatid ng biktima ang hiniram nitong motorsiklo sa Tagaroroc, Nabas, Aklan subali’t maaaring tinambangan umano ito at binaril.

Napag-alaman din na nagdedeliver ng coco lumber sa isla ng Boracay ang biktima.

No comments:

Post a Comment