YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 19, 2015

Mga bayarin sa lahat ng uri ng certification sa Barangay Balabag, walang pagtaas

Posted January 19, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Walang pagtaas sa mga bayarin sa lahat ng uri ng certification sa Barangay Balabag.

Ito ang tiniyak ni Balabag Administrator Jinky Salazar-Alicante kasabay ng pagproseso ngayon ng mga establisemyento sa isla ng kani-kanilang renewal ng business permit.

Kaugnay nito, sinabi ni Alicante na P50.00 parin ang bayarin para sa Barangay Clearance, Transport Certification, habang P300.00 ang sa business clearance.

Mananatili din umano sa P50.00 ang bayarin para sa senior citizen indecency, late registration, at residential certificate.

Samantala, nabatid na parami nang parami na rin ngayon ang mga establisemyentong nagre-renew ng business permit sa isla ng Boracay bilang bahagi ng kanilang obligasyon sa munisipyo.

No comments:

Post a Comment