Posted
January 12, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Muling bumisita sa Boracay ang MS Costa Victoria.
Dumating ang nasabing barko pasado alas 11:00 kaninang tanghali.
Nabatid na natagalan bago nakababa ang mga pasahero nito dahil inuna
munang pababain ang mga nais mag-island hopping at mag-island tour sa Boracay.
Samantala, bakas sa mga turista ang kasiyahan na muli silang nakapasyal
sa Boracay.
Ayon naman kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, wala namang
gaanong ipinagbago sa kanilang paghahanda sa pagdating ng MS Costa Victoria
dahil ito na ang ikatlong beses na bumisita ito sa Boracay.
No comments:
Post a Comment