YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 12, 2015

Lalaki nanlaban sa gitna ng buy bust operation sa Banga, Aklan; kalaboso

Posted January 12, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kalaboso sa isinagawang buy bust operation sa Banga Aklan nitong nakaraang Sabado ang isang lalaki.

Ayon kay Senior Police Officer I Jeric Dadivas ng Banga PNP Station, nanlaban pa umano ang suspek na si Anthony Punzalan, 52 anyos ng Barangay Dumlog Roxas City Capiz.

Base sa report, isinagawa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at Banga PNP ang buy bust operation ala-una ng madaling araw sa Ugsod, Banga, Aklan.

Subalit, nang sa kalagitnaan ng buy bust operation, nakatunog ang suspek at kaagad na tumakas papuntang Balete Aklan.

Dahil dito, hinabol ng mga pulis ang suspek na nakipag-barilan pa umano sa mga otoridad.

Walang namang nasaktan sa nasabing insidente.

Samantala, nakuha naman sa tinutuluyan ng suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, kung saan pinaniniwalaang itinapon umano nito nang dumating ang mga operatiba.

Kaugnay nito, matapos maaresto sa Aranas Balete Aklan, nahaharap naman ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

No comments:

Post a Comment