YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 12, 2015

Mahigit kumulang 30 libo pisong halaga ng shabu, nasabat sa isang buy bust operation sa Boracay

Posted January 12, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mahigit kumulang 30 libo pisong halaga ng shabu ang nasabat sa isang buy bust operation sa Boracay kahapon ng umaga.

Narekober ang mga droga mula sa suspek na si Oselyn Arevalo, 44 anyos ng Sitio Tulubhan Manoc-Manoc Boracay.

Sa pinagsanib pwersa ng Provincial Intelligence Branch, BTAC at Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group.

Nasabat mula sa suspek ang pitong sachet ng Shabu, P5, 600.00 kasama na buy bust money at isang unit ng cell phone na naglalaman ng mga illegal drug transactions umano nito.

Samantala, nakuha rin mula sa poseur-buyer ang isang sachet ng shabu.

Dinala naman sa Provincial Intelligence Branch ang suspek, kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

No comments:

Post a Comment