YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 12, 2015

Boracay Ati-atihan 2015 naging mapayapa

Posted January 12, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Naging mapayapa ang pagdiriwang ng Sto. NiƱo Ati-atihan 2015 sa Boracay.

Ayon kay Boracay PNP Officer In Charge PSInsp. Fidel Gentallan, walang nangyaring kaguluhan sa buong selebrasyon ng Ati-atihan mula nitong Biyernes, January 9, hanggang kagabi.

Malaki umano kasi ang naitulong ng BAG o Boracay Action Group sa pagbabantay ng seguridad kung kaya’t naging matagumpay ang lahat ng mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon.

Samantala, sinabi pa ni Gentallan na dumarami pa ang mga partisipante sa taunang Ati-atihan sa isla.

Kaugnay nito, maaari din umanong dagdagan pa nila ang puwersa ng kapulisan depende sa dami ng mga aktibidad ng Boracay Ati-atihan sa susunod na taon.

No comments:

Post a Comment