YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, December 09, 2014

Russian national, ninakawan ng mga gamit sa Boracay

Posted December 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy pa rin sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng BTAC hinggil sa pagkakanakaw di umano ng mga gamit sa isang lalaking Russian national sa isla ng Boracay.

Nabatid sa blotter report ng BTAC na bandang alas syete kagabi, iniwan sa dalampasigan ng  Russian na nakilalang si Tsyba Vikentij, 27 anyos ang kanyang bag at naligo.

Subalit sa pagbalik na di umano nito ay nalamang nawawala na ang nasabing bag na naglalaman ng canon camera at iba pang mga gamit.

Kaagad namang tumungo sa himpilan ng BTAC ang biktima at ine-report ang nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment