YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 08, 2014

Motorsiklo, sumalpok sa gutter ng kalsada; 2 sakay, sugatan

Posted December 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sugatan ang dalawang sakay ng isang motorsiklo matapos na sumalpok kaninang madaling araw sa gutter ng kalsada sa main road Balabag Boracay.

Kinilala sa blotter report ng BTAC ang sakay na sina Darius Sayon, 22 anyos at Jay Fernandez ng Balabag Boracay.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, bandang alas kwatro kanina ng madaling araw habang binabaybay ng dalawa ang kahabaan ng Balabag Boracay papuntang Yapak nang mawalan umano ito ng kontrol at sumalpok sa gutter ang nasabing motorsiklo.

Kaagad naman na isinugod sa Boracay Hospital ang dalawa matapos magtamo ng iba’t-ibang mga sugat sa kanilang katawan.

No comments:

Post a Comment