Posted
December 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bagamat nakataas parin ang storm signal number 2 sa
lalawigan ng Aklan wala na rin itong gaanong epekto sa probinsya lalo na sa
isla ng Boracay.

Maliban sa Boracay pinabalik na rin ang mga lumikas na residente
na nakatira sa mga coastal brgys. sa mainland Malay na nauna ng lumikas nitong
araw ng Biyernes.
Sa kabilang banda ipinagbabawal parin ng Alkade ang
paliligo sa karagatan ng Boracay hanggang sa hindi pa tinatanggal ang signal ng
bagyo sa Aklan.
Samantala, wala namang naitalang insidente ang LGU
kaugnay sa bagyong Ruby dahil sa preperasyon at koordinasyon ng mamamayan s
mainland Malay at isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment