YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 17, 2014

Reklamo ng mga 4P’s Beneficiaries sa Malay kaugnay ng tulong pinansyal mula sa DSWD, nakalutang parin

Posted November 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Sana masulusyunan na ang problema namin.

Ilan lamang ito sa paulit-ulit na text messages na natatanggap ng himpilang ito mula sa ilang 4P’s Beneficiaries sa Malay.

Nakalutang parin kasi ang kanilang reklamo tungkol sa tulong pinansyal mula sa DSWD o Department of Social Welfare and Development.

Kaya naman patuloy din ang kanilang pagkadismaya kay mismong Poblacion Malay Barangay Captain Ric Calvario at MSWD o Municipal Social Welfare and Development Head Magdalena Prado.

Base sa text message ng isang nagrereklamo, may ibinigay na ‘form’ sa 4P’s parent leader si Prado para sa survey ng calamity victims ng nagdaang Bagyong Yolanda.

Pinapirmahan umano ang ‘form’ kay Calvario, subali’t may idinagdag umano ito doon na mga ibang pangalan.

Magugunitang sinabi din ng mga nagrereklamong pamilya na tinanggal ang kanilang pangalan sa listahan at pinalitan ng mga sinasabing doon bomoto sa kanilang barangay noong eleksyon.

Samantala, magugunita namang tumangging magbigay ng pahayag tungkol dito sina Calvario at Prado.

No comments:

Post a Comment