YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 17, 2014

Health monitor at isang miyembro ng MAP inereklamo ng pambubugbog sa Boracay

Posted November 17, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sa Barangay Justice System na ipinagkatiwala ng Boracay PNP ang reklamong physical injury ng isang lalaki sa Barangay Balabag kagabi.

Base sa police report, bumibili ng pagkain ang biktima sa isang kainan nang makasagutan nito ang apat na mga suspek.

Sinuntok umano siya ng isa sa mga ito hanggang isang komosyon na ang sumunod.

Subali’t ayon naman sa Boracay PNP, ang biktima ang nagsimula ng gulo kung kaya’t sinuntok ito ng suspek na isa palang health monitor at isa pang suspek na miyembro ng Municipal Auxiliary Police.

No comments:

Post a Comment