YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 20, 2014

4 na babaeng lasing, kalaboso matapos mag-rambol sa isang resto-bar sa Boracay

Posted November 20, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kalaboso ang apat na babaeng lasing matapos na mag-rambol sa loob ng isang resto-bar sa Manoc-Manoc Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, may dati nang alitan ang apat hinggil sa agawan ng mga costumers.

Base sa imbestigasyon, natiyempuhan ng isang grupo ang dating nilang nakaaway doon sa nasabing bar, kung saan kaagad nila itong sinalakay na naging dahilan ng komosyon.

Kaagad naman umanong inawat ng bouncer ang magkabilang grupo subalit tuloy pa rin ang mga ito sa pag-iiskandalo.

Samantatala, isang 22 anyos na lalaki naman na kasama ng isa sa mga babae ang ikinustodiya din sa BTAC matapos na ninakaw umano nito ang cellphone ng isa mga ito habang nag-aaway.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng BTAC ang apat na mga babae kasama ang 22 anyos na lalaki na sinasabing nagsamantala ng pagkakataon.

No comments:

Post a Comment