YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 18, 2014

Dahil sa selos, lalaki sa Boracay umano’y pinagtangkaang saksakin ng kasintahang bading

Posted November 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

"Nagselos sya at pinagtangkaan akong saksakin, kaya hinampas ko ng upuan."

Ito ang naging katwiran ng isang lalaki na itinago sa pangalang “Jober” 23 anyos ng Balabag Boracay matapos na ipina-blotter ng kasintahang si “Freddie” 24 anyos ng physical injury.

Ayon kasi sa reklamo ng bading, nasa loob umano ito ng kanilang boarding house sa nasabing ring lugar alas onse kagabi nang dumating ang kanyang nobyo at pinagbubugbog sya.

Hinampas din umano sya ng upuan sa kanyang mukha na nagdulot naman ng sugat sa kanyang kaliwang pisngi.

Subalit, ayon naman sa kanyang nobyo na si “Joeber”, pinagtangkaan umano itong saksakin kaya hinampas nya ng upuan at isang komosyon ang namagitan sa kanilang dalawa.

Dagdag pa nito na nag-ugat umano ang nasabing away dahil nagselos si “Freddie” sa isa pang bading na nakausap din ni “Jober” sa lugar.

Samantala, nakatakda namang magsumite ng medico legal si “Freddie” upang i-reklamo si “Joeber”.

No comments:

Post a Comment