YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 03, 2014

TIEZA COO Mark Lapid, di makakarating sa pulong bukas ng BFI at BRTF

Posted October 3, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Hindi makakarating sa pulong bukas ng BFI at BRTF si Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) COO Mark Lapid.

Ayon kasi kay Boracay Foundation, Inc. (BFI) President Jony Salme, may ibang schedule si Lapid kung kaya’t si Atty.Guiller Asido ang darating upang pag-usapan ang mga proyektong kailangang tapusin bago sumapit ang 2015 APEC Hosting ng Boracay.

Magugunitang sinabi ni mismong Boracay Island Administrator Glenn SacapaƱo na ilalatag nila sa nasabing pagpupulong ang mga problema sa isla katulad ng drainage, mga street lights at mga kalsada dito.

Samantala, ayon pa kay Salme, dadalo din bukas sa pagpupulong si DOT Asec. Boncato, DOT 6 Regional Director Atty. Helen Catalbas, maliban pa kina Governor Joeben Miraflores at Mayor John Yap.

No comments:

Post a Comment