YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 30, 2014

Construction worker, natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay

Posted September 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Laking gulat ng nakakatandang anak ng isang construction worker sa Boracay nang malamang patay na pala ito habang nakahiga sa loob ng kanyang kwarto.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang bangkay na si Ebuen Briones, 47 anyos ng So. Hagdan Yapak Boracay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis base na rin sa naging pahayag ng 18 anyos na anak ng biktima na umuwi ito sa kanilang bahay alas otso ng gabi at kaagad na nahiga.

Nanggaling umano ang kanyang ama sa isang videoke bar at nakipag-inuman sa mga kaibigan nito.

Bandang alas dos naman ng madaling araw nang magising ang bunsong anak nito at saka nalamang isa nang malamig na bangkay ang kanilang ama.

Samantala, sa isinagawang pagsusuri ng SOCO Boracay ay hindi naman nakitaan ng foul play ang pagkamatay ng biktima.

1 comment:

  1. Sino ba talaga ang unang naka-alam na patay na yung tatay nila? Yung nakatatanda o yung bunso?

    ReplyDelete