YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 29, 2014

Lasing na menor de edad na nagmamaneho ng top-down, nakatakdang e-turnover sa MSWD matapos maaksidente

Posted September 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakdang e-turnover sa kustodiya ng Municipal Welfare ang Development Office (MSWD) ang isang menor de edad dahil sa pagmamaneho ng lasing.

Ito’y matapos na bumangga ang minamaneho nitong top-down sa pader ng isang resort sa So. Bantud Manoc-Manoc Boracay.

Nabatid sa report ng Boracay PNP na lasing ang nasabing 17 anyos na binata habang nagmamaneho nang masagi nito ang refrigerator malapit sa lugar kaya’t nawalan ito ng kontrol at bumunggo sa pader ng isang resort doon.

Samantala, nasa kustodiya ngayon ng Boracay PNP ang top-down habang nagkasundo na lang umano ang magkabilang panig na bayaran ang nasirang refrigerator.

No comments:

Post a Comment