YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 29, 2014

Father Edwin at Father Jomel ng HRP Boracay, ililipat na sa ibang parokya

Posted September 29, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ililipat na sa ibang parokya sina Father Edwin at Father Jomel.

Ito ang kinumpirma ni Holy Rosary Parish Boracay Priest Moderator Father Nonoy Crisostomo kaugnay ng reshuffling o paglilipat ng ibang assignment ng mga assistant priest sa buong Diocese ng Kalibo.

Ayon kay Father Nonoy, magiging assistant parish priest ng San Jose sa bayan ng Malinao si Father Edwin, habang sa bayan ng Balete naman si Father Jomel.

Sinabi pa ni Father Nonoy na nitong nakaraang buwan pa ng Hunyo sana dapat ang reshuffling, subali’t pinag-isipan muna umanong mabuti ng obispo ang paglilipatan sa mga nasabing pari.

Samantala, inaasahang darating sa kani-kanilang bagong assignment sa Sabado sina Father Edwin at Father Jomel at maaaring sa Huwebes naman darating ang kanyang mga bagong assistant parish priest.

Hiling din ni Father Nonoy sa lahat ng mga parokyano ng HRP Boracay ang mainit na pagtanggap sa mga bagong pari sa isla.

No comments:

Post a Comment