YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 22, 2014

Irrigation Management Program para sa Aklan, aprobado na

Posted October 22, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aprobado na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang isang Irrigation Management Program para sa probinsya.

Sa ginanap na SP Regular Session kaninang umaga, nagpagkasunduan ng konseho na aprobahan ang endorsement letter na ipinadala ni Division Manager Engr. Rizalo Conception ng Irrigation Management Office.

Nabatid na nakasaad sa nasabing resolusyon ang pag-adopt at pag-aproba ng System Management Committee (SMO) sa Resolution No. 01, Series of 2014 on the policies of Aklan League of Federation of Irrigator’s Association, Inc. (ALFIA).

Samantala, napag-alaman na ang nasabing programa ay para sa mabilis at pagkakaroon ng magandang irrigation systems sa probinsya.

1 comment:

  1. Keep up the good work guy's miss this place !

    ReplyDelete