YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 20, 2014

Dalawang lalaki sugatan sa aksidente ng motorsiklo sa Cagban, Manoc-manoc

Posted October 20, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dalawang lalaki ang sugatan sa aksidente ng motorsiklo sa Cagban, Manoc-manoc kaninang hating-gabi.

Naratnan ng mga rumespondeng pulis sa lugar ang dalawang biktimang nakahandusay at duguan sa gilid ng sumemplang na Honda XRM.

Narekober din ang isang wallet na may I.D ni Esmael Sentones, isang trabahador ng 21st Construction Development Co.ng Fairways and Bluewater, New Coast Boracay.

Kaagad namang isugod ng mga pulis sa ospital ang mga biktima at ipinaalam sa nasabing resort ang insidente.

No comments:

Post a Comment