YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 21, 2014

Bouncer sa Boracay, hinampas ng bote; 4 na suspek, pinagbabayad ng 30, 000 pesos na danyos

Posted October 21, 2014               
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Apat na kalalakihan ang inireklamo sa Boracay PNP matapos manggulo sa isang bar sa station 2 Balabag kaninang madaling araw.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, pumasok sa nasabing bar ang apat na suspek at nagsimulang mag-eskandalo.

Nambastos din umano ang mga ito ng iba pang mga guest doon, kung kaya’t pinagsabihan sila ng bouncer.

Ngunit sa halip na makinig, nagalit ang isa sa mga suspek at hinampas ng bote ang bouncer sa mukha.

Sumugod din ang iba pang suspek sa bouncer kung kaya’t tumulong at nakipagrambol na rin ang ibang guest ng bar.

Samantala, pinagbabayad naman ng 30, 000 pesos ng nasabing bar ang apat dahil sa mga nasirang gamit at mga bill na hindi nabayaran ng mga tumakas na customer.

No comments:

Post a Comment